Friday, April 06, 2012
Saturday, April 17, 2010
Makati Girl
Tuesday, March 16, 2010
My American Idol Experience
Thursday, March 04, 2010
Huling Araw...and the Week After


Gustong-gusto na naming maglast day, hindi nagsink in sa 'min until the last week na, this will break the routine. Hindi na kami papasok sa T*tech the week after, wala na kaming trabaho, we have to start applying for a new work elsewhere, hindi na kami araw-araw magkikita and...we were leaving some friends. Whew! I guess that's what the 30 day notice was for, huh...to absorb all these, to prepare for the changes, but huh! The whole time isa lang ang naiisip namin- ang tagal ng last day! (kitang-kita naman sa picture diba? Parang walang malungkot.) Seriously, it was a greeaaaat two and a half year in UHG.
Friday was my last day employed and on Sunday morning, I stuffed all my stuff in back of the cab (that rhymes!) and came back to home sweet home. Ginawa ko 'to habang tulog pa si Ate at Kuya and just texted them later. Wow! High-five. I suck at goodbyes, I must be a dude.
First time ko 'tong tumira kasama ang ibang tao at magbayad ng rent. Sa totoo lang, I want this! Ito ang nakukuha ko kakanood ng Friends and kakabasa ng mga libro ni Sophie Kinsella, you know...going home to the place you pay the rent for, hehe, the independent life, the roommate! At bakit ko siya mas ginusto? I found myself a nice place! Bedspace lang ito, pero in a townhouse! And our room was in the attic, on the 4th floor, the family can kill each other hindi namin malalaman. Meron sofa (sa loob ng kwarto!) and thank goodness si Ate mismo ang naglilinis dahil sobra siyang neat freak! Dalawa lang kami sa kwarto at ako lang ang nandoon during the day. I sleep on the kingsize bed and Tisay, my roommate, sleep on the mattress on the floor, totally her choice by the way. So it's like paying for a room for a price of a bedspace! At ngayong wala na 'ko dun kay Tisay na ang buong kwarto, gosh! And not to mention, mababait ang may ari ng bahay. Kung hindi ako aalis ng T*tech I wouldn't have thought about leaving at all.
On the downside, that place bores me to death! It's like Vegas, with all the lights, but no gambling at drinking. Anong gagawin ko dun? And this living independent thing...sa kuripot kong 'to and with Pablo at home, it's not for me, maybe not now.
What was I busy doing a week after UHG ended? Finally, kinuha ko na ang diploma ko at transcript, nagparenew ng NBI, began watching our DVD's of "How I Met Your Mother", did my first volunteer work in VCF, and go crazy for American Idol.
Monday, September 21, 2009
Another one, done!


It was supposed to have been my "parting gift" for TL Chester, pero nahiya ako sa idea na mukha akong creepy stalker.
Isa ito sa mga nasa "to do" list ko para sa 2009- do a charcoal drawing, again. Lalo na ngayon nag-aadvance midlife crisis ako, gusto kong i-explore ang aking "artistic" side, kung meron man.
I heard it from watching "Glee"- ito ata yung tinatawag na..."creative outlet".
Naisip ko din...kahit ano pang pagpapaliwanag ko, mukha pa rin akong obsessed fan.
Saturday, September 12, 2009
Rainy Days
Saturday, August 08, 2009
Mean Girl
Lately, sobra 'kong nagiging mainitin ang ulo at mareklamo. And sobra din naman akong nagiging conscious kaya I try to do something about it. There are days that I'm successful, but it's frustrating when I'm not. My colleagues say it's okay, and I convince myself it's okay. But really, I feel awful.
Pano ka ba naman hindi magtataray kung nasa escalation team ka. Before I got into this team, I told myself I won't show some attitude like some of my colleagues. Now after just a few months of doing what they are doing, naiintindihan ko na.
One of the mean girls-that's me. Worried ako dati na kainisan ako sa floor gaya ng mga kasama ko, but now, I reached this point na I don't care. I know kapag naglalakad ako sa floor, may gusto nang pumana sa'kin. I don't like that idea, but really, hindi ko gustong magbago dahil sa iniisip sa'kin ng tao. I want to change kasi something doesn't feel right inside.
Not everyone understand this. I posted a bible verse in my station to remind me about this and I was laughed by one person saying he doesn't believe that. Now may nabasa akong blog of a husband who has the same thoughts about his temper. It is nice to know there are people out there that feel that same was as I do.
Last Sunday I went to VCF Gale and the pastor shared James 1:19-27 which I thought is very timely: 19My dear brothers, take note of this: Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry, 20for man's anger does not bring about the righteous life that God desires. 21Therefore, get rid of all moral filth and the evil that is so prevalent and humbly accept the word planted in you, which can save you.
22Do not merely listen to the word, and so deceive yourselves. Do what it says. 23Anyone who listens to the word but does not do what it says is like a man who looks at his face in a mirror 24and, after looking at himself, goes away and immediately forgets what he looks like. 25But the man who looks intently into the perfect law that gives freedom, and continues to do this, not forgetting what he has heard, but doing it—he will be blessed in what he does.
26If anyone considers himself religious and yet does not keep a tight rein on his tongue, he deceives himself and his religion is worthless. 27Religion that God our Father accepts as pure and faultless is this: to look after orphans and widows in their distress and to keep oneself from being polluted by the world.
Gusto kong bumait pero hindi ko magawa.Tuesday, June 23, 2009
Just For a Season
Wednesday, May 20, 2009
Good girl ba kamo?
I jumped out of bed. I decided to go anyway, dahil ang buhay ko ay bahay-trabaho-bahay-trabaho-simbahan-bahay-trabaho-bahay-
trabaho-mall. Tapos nagrereklamo ako na boring ang buhay ko and I need a life!
Naghintay akong sunduin sa landmark ng isang oras, which pissed me off bigtime. Pero dahil nalaman kong meron sa kanila ay 2 hours naghintay at 3 hours naman pala sila nagbiyahe dahil may mga sinundo pa, at traffic, naisip kong hindi ako ang pinakakawawang tao sa mundo at napatawad ko din sila.
Kapag nalalasing si TL, nagtatransform siya, parang the Hulk. Naging si Chester the Monster na naman siya nun, at naisipan niya kaming ipag-iitsa sa pool. Sa totoo lang, medyo nainis ako kasi, nakapants ako at yung suot ko eh yun din ipang-uuwi ko. Bumilib ako kay Bernie. Nasa bulsa pala ng shorts niya yung celphone niya at yun nabasa at nasira. Kesa daw mainis siya, ipapagawa na lang niya. Kung sa akin nangyari yun, sisirain ko ang araw nilang lahat at sisiguraduhin kong walang masaya. Pero dahil okay na okay sa 'kin yung attitude ni Bernie, nagpalit na lang ako ng swimming shorts at nagsaya-sayahan sa pool.
I do not know if she's always like that, but I saw how she reacted on that situation, and I thought that was really cool. Kasi ako pag-uwi ko, inaway ko yung kapatid ko at nagulo bigla ang bahay. Not to mention I have also been very mean to the agents calling SAG.
I call myself a good girl, not really because I am one, pero gusto ko talaga maging kasing bait ng mga tulad ni Bernie.
Wednesday, April 08, 2009
Ms. Lovestruck?
Lagi daw kasi akong kinikilig.
I remember an agent who got awarded as "Ms. Padlock" because she got accused by the company of stealing a padlock!
But I think it's cute. I really don't take it negatively.
Sunday, April 05, 2009
Happy Thoughts

Wednesday, March 11, 2009
Internship Blues
Bakit nga naman hindi gugustuhin ang title na ito. Kahit intern lang, napadala na ko sa training para magconduct ng mock calls sa mga trainees. As in mock calls, dahil minock ko sila, pinaikot-ikot at tinakot-takot. Bwahaha. Biro lang. Malinis naman ang intensyon ko, gusto ko lang silang matuto. At dati, nakikinig lang ako sa mga SME's nag nagroroll-out, pero ngayon, isa na din ako sa mga nagroroll-out ng updates sa mga teams. At dun ko narealize na nakakainis pala kapag salita ka ng salita tapos yung kausap mo umiikot-ikot yung mata. Pero kasama sa titulo ang karapatang kunin ang atensyon ng agent at utusan siya ng "makinig ka". Bilang SME, nakapagfloorwalk na din ako sa nesting class, at naranasan kong pagtinginan na as if ako ang rumored na bagong teacher sa school. At pinakatrabaho namin na tumanggap ng calls galing mga agents na nanghihingi ng assistance at saluhin ang kanilang escalated calls. Alam mo yun, minsan uulitin mo lang naman yung sinabi ng agent pero mas tatanggapin ng caller kapag naggaling sa akin kasi SME ako. Woah! Bigtime diba? Gustong-gusto ko rin yung idea na, dati, hindi ako kilala sa floor, pero ngayon, sikat na ko!!! Woohoo! (kasi ata pinag-uusapan ako na bakit ako ang nakuha at hindi yung iba, hehe) Pero hindi pa iyan ang biggest perk. Sa esca, sobrang avail! Minsan ang next call mo after 20 minutes pa. Woah! Eh dati nga kapag itinutulog ko ang 15 minute break ko, malayo na ang nararating ko, nakakabalik pa ko! Ibig sabihin, kapag inaantok ako, which is, palagi, pwede ko munang ipikit ang mata ko, depende sa avail time! Wow, this is the life...
Okay, iyon yung mga pros. Syempre meron din cons. Parang news yan eh, inuna mo lang yan good, pero meron din bad.
Dumadating ako sa point na, naiisip ko, this is not working for me. Parang bagong sapatos, pinilit mong maging komportable, hinahanapan mo ng mababagayang damit, pero wala, it just doesnt fit, or out of style talaga at walang dating. Hindi ako komportable, ni hindi ako makapagfloorwalk ng taas noo. I feel so humbled, na parang, the title is too much I just can't measure up. I feel so awkward, maraming beses, pakiramdam ko, at alam ko din, nagmumukha akong tanga. Nagroroll-out ako minsan, halatang-halatang kinakabahan ako, nanginginig ang boses ko pati kamay ko, ni hindi ko kayang mag strictly EOP (English Only Policy)! One time pa, inapproach ko itong isang TL na pogi pa naman para i-pull out yung agent niya. Wala, hindi ko alam kung naintimidate lang ako dahil cute siya, pero I totally mixed up the names altogether, sabi ko, "Hi TL, I'm looking for Gary, pull out for the roll-outs". Ang pangalan ng TL ay Gary. Lalong naguluhan ang TL nang kinorek ko ang sarili ko kasi wala ata siyang agent na may pangalan na sinabi ko, pero dahil mas matalino siya kesa sa akin, nagets din niya, at nang lalapitan ko na ang agent, natapilok pa ako. Great! Talk about smooth moves. Sinadya ko talaga yung para hindi niya ko makalimutan.
My stats just proved the point even better. Nagevaluate ang TL ko ng isa kong recording, and it was an error. Buti na lang TL coaching lang iyon, at hindi external QA. We did a practical quiz, isa ako sa 3 hindi nakuha ang sagot. I was floorwalking once, and the other most experienced floorwalkers was asking me for verification, kasi nga, even though they have the most experience, I have the title naman. And there was a time, I went just blank to one of the questions. At ang customer survey ko ay mostly failing, at ang root cause, I'm too soft, I don't sound assertive and believable daw. I feel I really didnt have what it takes: product knowledge, experience, comm skills and the assertiveness to own up to being a Subject Matter Expert. I even broke down once, I couldnt hold back the tears, I did it with them around. Nung nagkaroon uli ako ng failing survey, TL even had to take me off the phone, and the rest of them were treating me like a baby, which I appreciate, but I'm not there to be a baby, I'm supposed to be there to contribute to the team. I just feel inadequate.
Sabi nang iba sa kanila, normal lang daw ang pinagdadaaanan ko, kasi naging ganito din sila. Yung isa nga daw nilagnat nung first week niya. At yung isa, was so depressed, she was crying nang walang dahilan. Pareho silang almost mag-resign. The good thing about me though, is that, I love this job, kung mawala sa akin ang posisyon, hindi guguho ang mundo ko kahit maging regular agent uli ako.
Ewan ko. Ni hindi ako nachachallenge to do even better the next time. Natatakot ako sa next time, kasi baka failing na naman. Wala siguro akong ambisyon sa buhay, tama na sa akin ang sumweldo.
Haay...this is so negative. So emo.
This could be perfect for me: Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness, that most frightens us. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine as children do. It's not just in some of us; it is in everyone. And as we let our own lights shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others. TIMO CRUZ, Coach Carter, 2005
But I'm just not feeling it. (hehe, parang hiphop, do you feel me? do you feel me?)
I will see in the coming days...
Friday, March 06, 2009
Out of the Boat


Praning ako about Valentines this year. Not because wala akong date, dahil sanay na 'ko dun, but because our church always hold a Valentines program every year, at dahil ako na ang youth leader, ako ang in-charge.
Sobrang busy kami last quarter ng 2008. So come 2009, medyo relax lang. Pero ang utak ko natuturta sa kaiisip. The attendance is dropping, I can't seem to get the other leaders to commit, Kuya Adong can't speak to us kasi he's coming back to his work abroad, the bible school student whos been helping us will be helping another church, and it's Feb soon, how can we put up a valentines program?
Kinumbinse ko ang sarili ko na marami naman kaming na-accomplish last year, siguro okay lang if we dont have a vday program this year. But its tradition, sampung taon walang paltos! All of a sudden, this year walang program, ako ang leader, and it's my first year!
About 3 weeks before the "doom" day, nalaman ko malilipat ako ng team (escalation), which means, I have to work harder to meet people's expectations. I like it, it feels great to be chosen, but I wasnt comfortable.
Youth ministry is so unpredictable, and no matter how I try to control it, I just can't. I can't control other people.
Pero sa trabaho, papasok lang ako, huwag malelate, tapusin ang araw. Shaky man ang YM, basta okay ako sa work, I will live. Afterall, it's hard to accomplish something if your without a job or finances, right?
My job, the pay I get, and my team, is my comfort zone and that's how it is supposed to be because YM is unstable.
So being in the esca team and trying something new, I felt, was not a good idea. I like to grow, it's good to grow, but not now.
I tried to talk my TL out of it. Honestly, wala akong lakas para tanggihan ito, because it's an opportunity. Naisip ko, torete ako, and I might make decisions out of fear. If TL would think I shouldnt do it because I was half-hearted, then that's it, I'd take it as from God. But as of the time of writing, nakaka-isang buwan na ko sa bagong team.
I had my ups and downs. But in the end, we managed to have a Valentines program. And the melancholic, critical and perfectionist me, would say, it wasn't so bad. In fact, it's not bad at all! (imagine Simon Cowell saying this)
Leadership is hard. It may be the hardest thing I ever tried so far. Sobrang inis, nasabi ko pa one time na nagkaletse-letse ang buhay ko dahil sa leadership na ito. I am not a bad person, sa palagay ko =). As much as possible, I tried to do the right thing. But I can't go any higher, because the load is pulling me down. But one thing I cannot deny, sa lahat ng panahon na nahirapan ako, God always provided what we needed.
Our Pastor's wife told me that when Peter was walking on the water towards Jesus, he sank because he got scared of the waves, and Jesus scolded him saying he didnt have enough faith. But out of the 12, he was the only who one dared stepped out of the boat.
Same thing with me, I get discouraged because I look at the physical things. I can either, stay comfortable in the boat, or come out in faith, believing each Sunday will be better than the last.
Another thing that encouraged me was the verse I read: 1 Thes. 5:16, Always be joyful. Keep on praying. No matter what happens, always be thankful, for this is God's will for you who belong to Christ Jesus. My happiness should not be dependent on my circumstances. Good or bad, the bible says "always be joyful".
Saturday, February 07, 2009
Snow Men (and Women)
Sunday, September 28, 2008
I won a coffee maker
Monday, September 22, 2008
Sunday, September 14, 2008
Get Yourself Together, Girl!
After a few minutes, TL asked if I wanted to go home, I said yes. Authorized time-out = undertime= underpaid.
Okay, it wasnt so bad. Though I went overlunch, atleast I showed up to work. Late is better than absent. I was convincing myself. But I still didn't feel right about it. I knew I wasnt being the best I can be. Lately, all I was looking forward to was my break so I can sip hot choco and lunch so I can sleep zzzzzzz (snore here). And oh, not to forget, I was always glancing at my Tl's station waiting for him to call out "guys, press aux meeting, aux coaching, aux training, aux petiks." In short, I didn't really want to work anymore.
Going home in the wee hours of the night, I was thinking why TL asked me if I wanted to avail the ATO. Why me, why not my other teammates? I was paranoid, I was starting to think TL was pissed off at me, he was getting irritated at the sight of me and he had to get rid of me! Or maybe, I just looked so 'tinatamad' and uninterested to him, when there was an ATO slot up for grabs he thought I might be interested.
I admit losing interest and enthusiasm. But thinking about getting a new job, elsewhere, maybe not. This place is a blessing to me and I have taken that for granted.
I gotta get myself together. I cannot pride on being a striving good girl without being a diligent worker.
Friday, March 21, 2008
On wearing green and eating kornik
Tuesday, March 18, 2008
Transform me

Yung katabi kong si Apol tells me a funny story from the movie Transformers. I havent seen it pero the way she tells it tawang-tawa na ko. There was a guy daw sa gitna ng gera who called up 911 but his call got transferred sa Indian rep. Natataranta na siyang nanghihingi ng backup, parang wala lang sa call center na busy picking his nose. Nagagalit na yung caller, sabi ng rep "that attitude won't speed up the process." They can't seem to get through each other, maya-maya nag-upsell na lang 'tong si call center rep. =) Nasa gitna siya ng gera bebentahan pa siya.
Sabi ko nga, I have nothing against Indians. It just so happens, kayang-kaya nila akong inisin, lumalabas tuloy ang totoo kong kulay. As much as I want to be sweet and nice, nasasagad talaga pasensiya ko at nagtatransform ako into a green monster. I do not like that. Totoo. It's not attractive. I really want to work it out. I want to be gentle and patient. I want to be easy to be with. I want to live a changed life kasi, if not, how different am I sa ibang hindi alam kung ano ang "fruit of the spirit".
Its not easy pero I will be more conscious and watch myself, my words and my eyebrows. =)
Tuesday, June 06, 2006
Matamis ang tagumpay
Pagpasok ko ngayong Martes, wow, pasok ako sa top-15. Ang ranking? Pang 15! Hehe, nakasabit. Konting alugin lang ang standing tiyak laglag ako eh. Wow, sweet victory tlaga. Three-five yun sa next friday! At, meron na naman akong national monitor (yung call na na-monitored ng mga taga States). Nakakainis! 96 lang naman.