Wednesday, March 11, 2009

Internship Blues

Service Assistance Group- ito ang team na kinabibilangan ko ngayon bilang isang "isme" (SME) o Subject Matter Expert. Intern lang ako. Sa totoo lang, hindi talaga ako "expert". Minsan lang talaga, ironic ang mundo. Kung kelan ka effort na effort at kung kelan gustong-gusto mo yung isang bagay, hindi mo makuha-kuha. Pero kung kelan ka pa relaks lang, dun pa darating sa'yo. Sa kasong ito, dun ako sa pangalawa. Alam ko maraming iba na gustong-gusto itong pwesto ko ngayon, kaya hindi maintindihan ng iba kung bakit noong una eh umaayaw-ayaw pa ko. Parang sa audition yan eh, kung sinong napadaan na nga lang, siya pang nakuha. Alang-ala eh, ganun talaga kaming magaganda, mas napapansin.

Bakit nga naman hindi gugustuhin ang title na ito. Kahit intern lang, napadala na ko sa training para magconduct ng mock calls sa mga trainees. As in mock calls, dahil minock ko sila, pinaikot-ikot at tinakot-takot. Bwahaha. Biro lang. Malinis naman ang intensyon ko, gusto ko lang silang matuto. At dati, nakikinig lang ako sa mga SME's nag nagroroll-out, pero ngayon, isa na din ako sa mga nagroroll-out ng updates sa mga teams. At dun ko narealize na nakakainis pala kapag salita ka ng salita tapos yung kausap mo umiikot-ikot yung mata. Pero kasama sa titulo ang karapatang kunin ang atensyon ng agent at utusan siya ng "makinig ka". Bilang SME, nakapagfloorwalk na din ako sa nesting class, at naranasan kong pagtinginan na as if ako ang rumored na bagong teacher sa school. At pinakatrabaho namin na tumanggap ng calls galing mga agents na nanghihingi ng assistance at saluhin ang kanilang escalated calls. Alam mo yun, minsan uulitin mo lang naman yung sinabi ng agent pero mas tatanggapin ng caller kapag naggaling sa akin kasi SME ako. Woah! Bigtime diba? Gustong-gusto ko rin yung idea na, dati, hindi ako kilala sa floor, pero ngayon, sikat na ko!!! Woohoo! (kasi ata pinag-uusapan ako na bakit ako ang nakuha at hindi yung iba, hehe) Pero hindi pa iyan ang biggest perk. Sa esca, sobrang avail! Minsan ang next call mo after 20 minutes pa. Woah! Eh dati nga kapag itinutulog ko ang 15 minute break ko, malayo na ang nararating ko, nakakabalik pa ko! Ibig sabihin, kapag inaantok ako, which is, palagi, pwede ko munang ipikit ang mata ko, depende sa avail time! Wow, this is the life...

Okay, iyon yung mga pros. Syempre meron din cons. Parang news yan eh, inuna mo lang yan good, pero meron din bad.

Dumadating ako sa point na, naiisip ko, this is not working for me. Parang bagong sapatos, pinilit mong maging komportable, hinahanapan mo ng mababagayang damit, pero wala, it just doesnt fit, or out of style talaga at walang dating. Hindi ako komportable, ni hindi ako makapagfloorwalk ng taas noo. I feel so humbled, na parang, the title is too much I just can't measure up. I feel so awkward, maraming beses, pakiramdam ko, at alam ko din, nagmumukha akong tanga. Nagroroll-out ako minsan, halatang-halatang kinakabahan ako, nanginginig ang boses ko pati kamay ko, ni hindi ko kayang mag strictly EOP (English Only Policy)! One time pa, inapproach ko itong isang TL na pogi pa naman para i-pull out yung agent niya. Wala, hindi ko alam kung naintimidate lang ako dahil cute siya, pero I totally mixed up the names altogether, sabi ko, "Hi TL, I'm looking for Gary, pull out for the roll-outs". Ang pangalan ng TL ay Gary. Lalong naguluhan ang TL nang kinorek ko ang sarili ko kasi wala ata siyang agent na may pangalan na sinabi ko, pero dahil mas matalino siya kesa sa akin, nagets din niya, at nang lalapitan ko na ang agent, natapilok pa ako. Great! Talk about smooth moves. Sinadya ko talaga yung para hindi niya ko makalimutan.

My stats just proved the point even better. Nagevaluate ang TL ko ng isa kong recording, and it was an error. Buti na lang TL coaching lang iyon, at hindi external QA. We did a practical quiz, isa ako sa 3 hindi nakuha ang sagot. I was floorwalking once, and the other most experienced floorwalkers was asking me for verification, kasi nga, even though they have the most experience, I have the title naman. And there was a time, I went just blank to one of the questions. At ang customer survey ko ay mostly failing, at ang root cause, I'm too soft, I don't sound assertive and believable daw. I feel I really didnt have what it takes: product knowledge, experience, comm skills and the assertiveness to own up to being a Subject Matter Expert. I even broke down once, I couldnt hold back the tears, I did it with them around. Nung nagkaroon uli ako ng failing survey, TL even had to take me off the phone, and the rest of them were treating me like a baby, which I appreciate, but I'm not there to be a baby, I'm supposed to be there to contribute to the team. I just feel inadequate.

Sabi nang iba sa kanila, normal lang daw ang pinagdadaaanan ko, kasi naging ganito din sila. Yung isa nga daw nilagnat nung first week niya. At yung isa, was so depressed, she was crying nang walang dahilan. Pareho silang almost mag-resign. The good thing about me though, is that, I love this job, kung mawala sa akin ang posisyon, hindi guguho ang mundo ko kahit maging regular agent uli ako.

Ewan ko. Ni hindi ako nachachallenge to do even better the next time. Natatakot ako sa next time, kasi baka failing na naman. Wala siguro akong ambisyon sa buhay, tama na sa akin ang sumweldo.

Haay...this is so negative. So emo.

This could be perfect for me: Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness, that most frightens us. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine as children do. It's not just in some of us; it is in everyone. And as we let our own lights shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others. TIMO CRUZ, Coach Carter, 2005

But I'm just not feeling it. (hehe, parang hiphop, do you feel me? do you feel me?)

I will see in the coming days...

No comments:

Post a Comment

anong say mo?