Thirty minutes lang ang allowance ko mula sa bahay hanggang sa Teletech Cainta. Partida, kasama na pagpull up ng system diyan. Nasanay ako ng ganun for 2 and a half years. Kaya nabigla ako nang magtrabaho ako sa Makati. Ang layo, ang traffic, ang mahal ng pamasahe at puro lakad eh bihis na bihis ka. In short, parusa.
Eh bakit nga ba ako napadpad sa Makati?
Sa totoo lang, gusto ko pa sana tumambay pa ng konti. Kaya lang dahil sa naranasan kong kabiguang makarating sa Ohio, kelangan kong maging busy dahil baka maglaslas ako ng pulso. So tinanggap ko ang unang trabahong tumanggap din sa'kin. Tsaka naisip ko, never pa ko nagtrabaho sa Makati. Dapat lang naman atang maranasan. Para bang kung beach lover ka eh hindi kumpleto kung hindi mo marating ang Boracay. Tsaka, hindi naman siguro masamang magtrabaho sa multi-national oil company no? Pwede na siguro lalo kung number 1 sila.
Seryoso, iyon talaga ang mga dahilan ko. Pero pagkatapos lang ng ilang linggo, I'm seeing this new job in a different light.
Nakakachallenge. Para akong nag-aaral uli. Yung kasing mga tao dito, they either inspire me, intimidate me, or stretch me. Gumagraduate tayo ng highschool pero kapag nasa bagong crowd tayo, we tend to want to perform, be noticed, and belong. Highschool uli.
Iba't ibang klaseng tao na ang nakilala ko sa mga pinanggalingan kong kompanya. Pero naaamazed pa rin ako na marami pa din pa lang unique na tao out there somewhere. Mahalaga yun sa isang writer wannabe na katulad ko, parang gusto mo silang isulat. Kung nasa Ohio ako, hindi ko mamimeet ang mga taong nameet ko dito.
Ilang beses din akong nagstereotype ng mga kasama ko dahil sa first impression. Parang ang epal naman nitong isa, pampam yung isa. Mali ako sa maraming beses.
At narealized ko...bigo pa din siguro ako. Emong-emo 'tong mga sinasabi ko eh.
No comments:
Post a Comment
anong say mo?