Tuesday, June 06, 2006

Matamis ang tagumpay

Absent ako kahapon, Lunes pa naman. Ayoko kasi mag-costume ng britney spears (may ganong factor kasi), at, at, masakit talaga lalamunan ko (oo, totoo un, walang biro). SObra talaga akong down, feeling ko katapusan ko na. Feeling ko failure na naman. Muntik na ko magprint out ng resignation letter. Eh si enna, sabi ubusin ko na lang daw ung points ko. ngaun 5 points na ko. Hanggang 8 lang. meron pang 3 points. cige lang.

Pagpasok ko ngayong Martes, wow, pasok ako sa top-15. Ang ranking? Pang 15! Hehe, nakasabit. Konting alugin lang ang standing tiyak laglag ako eh. Wow, sweet victory tlaga. Three-five yun sa next friday! At, meron na naman akong national monitor (yung call na na-monitored ng mga taga States). Nakakainis! 96 lang naman.

No comments:

Post a Comment

anong say mo?