Monday, January 23, 2012

random thought na hindi kasya sa Twitter

Yung meron kang crush dati...pero noon may girlfriend siyang super ganda. Tapos pagdaan ng mga taon, ang mapapangasawa pala niya sakto lang. Pumapatol naman pala siya sa mga tipo mo. At yung sinasabi mong magandang ex girlfriend, tumaba at tumanda na ngayon. Feeling mo tuloy level na kayo. O higit ka pa ng isang basong paligo dahil atleast mas payat ka. May asawa na din pala siya ngayon. Gandang-ganda ka sa kanya dati, ni hindi mo maiisip na pagdating ng panahon, sa hindi gwapo siya makakasal. Nangyayari naman pala talaga ang mga ganito. Ngayon maiisip mo, pwede naman palang ikaw yun. Hindi ka lang naniwala noon.

No comments:

Post a Comment

anong say mo?