1. Na-appreciate kong maging 'taga-bundok'.
2. Binabaha pala ang Antipolo. Ang taas na nun ah.
3. Sa delubyo, walang mayaman, walang mahirap. Pare-pareho lang mga tao.
4. Material things are temporary.
5. This life is uncertain.
6. Hindi lang sobrang pag-init ang epekto ng global warming. Climate change talaga. Tama si Al Gore.
7. Madami palang dam sa Luzon at kahit na malaki ang kinalaman nila sa pagbaha, mahalagang magpakawala ng tubig kapag sobra na sa level dahil mas malaking pinsala kapag gumuho ito. Pero hindi din basta-basta nagpapakawala ng tubig dahil hindi lamang ito water source, ginagamit din ito sa paggenerate ng energy para sa kuryente. Napanood ko 'yan sa Matanglawin.
8. Talo sa 'awa' ang 'sentimental value'.
9. Hindi kami binaha pero naaalala kong binagsakan ng malaking sanga ng puno ang bubong namin noong typhoon Milenyo. Mas takot pa din ako sa hangin kesa sa ulan.
10. Lumulutang pala ang ref sa baha.
11. Kaya kung kami ang bahain, ilalagay ko ang mga gusto kong i-save sa loob ng ref.
12. Kung paanong necessity ang payong kapag umuulan, hindi masamang magbaon ka na din ng life vest at lubid. At magandang investment ang air beds dahil pwede itong maging rubber boat.
Thursday, October 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
anong say mo?