Friday, March 21, 2008

Sunog na Sinaing


The other day when I came home may naamoy kaagad akong nasusunog na sinaing. Pinatay ko agad ang apoy at pag-check ko, nakupo, naninilaw na sa tutong ang kanin.

Nag-init ang ulo ko. Siyempre nanermon ako kay Tatay, dahil anak ako, tatay lang siya. At kay Rap, dahil si ate ako, si Rap lang siya (may masabi lang). "Andito lang kayo, hindi ninyo naamoy? Kung hindi pa ko dumating, nasusunog na kayo hindi ninyo pa alam?"

I was really disappointed. I felt they were being irresponsible. Kasi I am responsible, I am good, I am the king of the world! Naalala ko tuloy when I was still in RMH, I would always whine to my friends about people and matatawa na lang sila pag sinabi kong "Nakakainis ako lang ang perfect sa mundong 'to, bakit ganun?"

Kanina lang, madaling araw, gising ako doing something, nang may maamoy akong nasusunog. Binalewala ko, afterall, what could possibly be burning? After a while, lumabas ako ng kwarto only to find...natuyuan na ng tubig ang takore. Nagpainit kasi ako ng tubig for coffee, nakalimutan ko din bantayan.

Nahiya ako sa sarili ko.

Kaya nga diba? Don't judge, if you're not a judge.

Matt. 7:1 says "Stop judging others, and you will not be judged. For others will treat you as you treat them. Whatever measure you use in judging them, it will be used to measure how you are judged.

This experience also reminded me of what 1 Cor. 10:12 talks about: "If you think you are standing strong, be careful, for you, too, may fall into the same sin." You wonder how can a person do such a bad thing to do, tapos when you face the same dilemna, you struggle to overcome, and then you understand. This should not give us an excuse na okay lang magkamali at magkasala. We should be overcomers. But knowing we are not perfect and we are prone to commit mistakes, we should not be overconfident and should be extra watchful. Kasi pag hindi, tutong na pala ang sinaing, or natuyuan na ang takore, or worst, nagliliyab na ang bahay, hindi pa natin alam.

Moral of the story: "Pag nagluto ka, bantayan mo para hindi masunog." - Raqs, all rights reserved 2008.

No comments:

Post a Comment

anong say mo?