Hindi ako mabisyong tao. Pero lately, hook na hook ako sa pag iinternet ng mga blogs, friendster, pagdodownload ng pictures ng mga cute na girls mula kay rachel bilson hanggang sa olsen twins. At ang bago kong discovery? polyvore.com. nakakaaddict. Shabu 'to sa mga kikay na katulad ko. Sa mga pervert, para siguro tong porn. Hehe. Exag. Hindi nga. Pag-uwi ko sa umaga galing sa work excited na kaagad akong mag "polyvore" (nakana...parang "friendster" lang or "dota").
Alam ko hindi naman masama tong ginagawa ko, pero nagiguilty ako kasi kasi I am spending too much time on it. Pero I can't help it. Nakakaaliw kasi. Nawiwili kasi ako sa mga kikay stuff, sa pink, sa maliliit na butingting atbp na generally hindi naman talaga mapapansin. One time nga, may nakita ako sa tindahan na binebentang neon colored na laste (rubberband), pati yun pinatulan ko. Baka lang kasi one time kailanganin ko diba? Later ko na lang nalaman na sanrio pala ang tawag dun...at 90% ng female population alam na sanrio ang tawag dun, kasama ako sa 10% na hindi.
Ang gastos-gastos ko din ngayon kakabili ng mga kikay stuff. Minsan, pag narerealize kong short na pala ko, at sa mga walang kwenta napunta yung pera ko, iisipin ko na lang, "raquel, yun na nga lang ang bisyo mo eh, pagbigyan mo na sarili mo..hayaan mo na yun..".
Yun pala yung tinatawag na guilty pleasures. Nagiguilty nga ako, pero, natutuwa naman ako eh. Or natutuwa ako, pero nagiguilty naman after.
My other guilty pleasure: kape at coke. Minsan iisipin ko c2 na lang para mas healthy, pero iba pa din pag coke.
No comments:
Post a Comment
anong say mo?