Nag file ako ng leave for a Friday with a plan in mind - to watch Franco in the flesh. Kasama sa plano ko na makapunta sa gig nila before the year ends, so when I learned that they are performing in Cainta Rizal, I thought it's only practical to go.
Dahil nakahanap ako ng kasama, tuloy ang plano. Ang daling kausap ni Kars, go agad kahit medyo rock ang lakad. Pagdating namin sa venue ang dami ng tao. Tatayo na rin lang kami, dun na kami sa malapit sa stage. From there I thought I saw some Jejemon's on mosh pit high on pot. Nakipagkulitan din kami sa mga katabi namin na members pala ng isa sa mga performing bands. Nakakatawang isipin na ang tagal namin iningatan ang pwestong 'yun, nung Franco na ang tutugtog, matataboy din pala kami sa area kung saan ang view ko eh kung hindi side, puro likod. Wala eh, rowdy ang crowd at hindi kami lalaban. Sabi ng isa kong kaibigan na nakita ko dun, nakapunta na siya ng ilang gigs ng Franco sa ibang lugar, pero hindi ganun. Nung nagkabasagan ng bote, Franco even had to remind the crowd to take it easy para hindi masira ang show. Nakita ko ang sarili ko bilang isang fan, wa-poise at walang pakiaalam. Ni hindi namin nakuhang magpicture ng sarili namin sa loob, feel na feel kong mukha akong dugyot. Para akong tinotorture pero ayokong ipatigil? Ayoko na kasi ang init sobra, ang dami kong pawis! Inspite of that, I enjoy watching them so ayoko pang matapos. The band was sweating big time too, but they were obviously thriving at the crowd's energy. We don't smoke pero nag-amoy yosi kami. Napaisip pa nga ako, "dapat ba sa 70's Bistro na lang ako nanood para medyo urbanized?" Then I thought, no, this is the way to best experience it: the waiting, the mixed crowd, the init and pawis. These make actually seeing them sweeter.
Thanks Kars for putting up with my Franco craze and for not being maarte. It was crazy and unglamorous, far from a sosyal gimik night or ideal date. But it was quite an experience. And we, church girls, survived!
No comments:
Post a Comment
anong say mo?