Pag nagbihaye ka sa gabi at may nakasabay kang bagong ligo na naka-jacket, 90% of the time taga-call center yun. Bagong ligo, ibig sabihin, papasok pa lang. Pag nakajacket, maporma yun, taga-call center.
This month bumili ako ng dalawa...dalawang kotse! Aseef! Hindi. Dalawang jacket! ( hindi ako nangyayabang. Kinukumbinse ko ang sarili kong hindi ako nanghihinayang). Halos tatlong taon na kong nagko-call center, ang huli kong bili ng jacket eh nung 2005 pa. Matipid kasi talaga ko dati, kesa ipambili ko ng jacket itataya ko na lang sa ending. Dumating din naman ako sa point na ready na ko bumili ng bago. Pero wala ko magustuhan. Hindi ko madescribe kung ano yung gusto ko, basta alam ko pag nakita ko yun, alam ko yun na.
Sabi ko one time, "today I will buy something nice". Hindi pa nababanat ang mga varicose veins ko nakakita na ko ng "keeper". Love at first sight. It's not the type na bonggang-bongga mukha akong magwiwinter sa Russia. Simpleng-simple. Beige, khaki, plain, reasonable price, decent brand. Tumingin pa ko sa iba kasi ganun dapat. Natagalan ako...mga 10 minutes! Binalikan ko si "keeper" para isukat. Naiba ang pwesto, medyo itinago sa ilalim ng ibang damit. Hmm..mukhang may ibang nakakita at nagkainteres. Nagmadali ako dahil baka nagwithdraw lang yun at pagbalik eh mag-agawan kami. Ayoko ng gulo. Bayolente pa naman ako. Isang braso pa lang ang nasusuutan ko, bagay na kaagad. Babayaran ko na...anak ng credit card, nag-eerror! Eh dahil mayaman ako hindi naman sa pagmamayabang, kinash ko na lang. Walang-wala eh, ganun lang talaga ang buhay namin. Paglabas ko ng store, sikreto akong napa-yes! Naunahan ko yung kung sino man yun.
Then one time, going home from seeing the dentist, napadaan ako sa mall. I saw this plain black jacket. Sabi ko, next time na lang kasi kakabili ko lang. Pero naisip ko din, all this time I wanted to buy a jacket but couldnt find something I like, and this time, nakakita ako ng gusto ko. Pag nawala na ito, kelan pa ulit ako makakakita ng gusto ko? (Actually kung natagalan nga akong magdecide eh mukhang naunahan ako kasi popular item, parang isda, ang daming pumipisil.) Isinukat ko, hood pa lang kamukha ko na si Jlo. Umuwi akong hindi lang bago ang goma ng braces, may bitbit din akong paperbag.
Shopping for a jacket for me was kinda like looking for the "one". You look around and you wait. Pag nakita mo, you'll know it's what you want. All this time, simple lang naman ang hinahanap mo eh.
Always before, I have always believed that God is in control of everything and that He has everything planned out. Halimbawa lang, kaya hindi ako nakabili ng jacket dati was because it was not in God's timing yet for me, and that He knew, in year 2008, a jacket will be designed, and its everything I ever want!
But I learned from Kuya Kevin and from experience na din, that God will give me the money, the time and the need for a jacket, but He will not go malling and shop for a jacket for me. He will not decide for me, I have to do that for myself.
If maybe I decided long before to really shop for a jacket, I may not end up with the jacket I bought now, but its possible that I could have found a jacket I can like as much. If I only I really look hard enough and not depend on my belief that God will drop the jacket all the way from heaven to my feet.
But then again, naniniwala pa din ako, na if nagpapaltos na ang paa ko kakahanap, at wala akong natipuhan, then maybe I should not buy now, and just wait for the new ones coming out.
Matindi siguro talaga ang panghihinayang ko sa ginastos ko at naiisip ko 'tong mga 'to.
No comments:
Post a Comment
anong say mo?