Friday, April 23, 2010

Ra ra ah-ah-ah, Gaga Ooh La La

Pumasok ako one day nang ganito ang itsura at napansin ng isa sa mga colleague ko na parang may bago sa 'kin. Aside sa bago kong gupit (maikli na naman!), hindi niya masabi kung ano 'yun pero meron daw.

Pastor Jordan dyed his hair bright red, kasi sabi niya, it's one of the things he's got to try before he dies. Ako din may mga ganun kaartehan. Tamang gusto ko lang ma-try.

Itong huli kong sinubukan ay something na hindi ko na po uulitin.

Sirit?

Eyelash Extension. Ang sikreto ni Lady Gaga kaya mukha siyang out of this world.

Saturday, April 17, 2010

Makati Girl

Thirty minutes lang ang allowance ko mula sa bahay hanggang sa Teletech Cainta. Partida, kasama na pagpull up ng system diyan. Nasanay ako ng ganun for 2 and a half years. Kaya nabigla ako nang magtrabaho ako sa Makati. Ang layo, ang traffic, ang mahal ng pamasahe at puro lakad eh bihis na bihis ka. In short, parusa.

Eh bakit nga ba ako napadpad sa Makati?

Sa totoo lang, gusto ko pa sana tumambay pa ng konti. Kaya lang dahil sa naranasan kong kabiguang makarating sa Ohio, kelangan kong maging busy dahil baka maglaslas ako ng pulso. So tinanggap ko ang unang trabahong tumanggap din sa'kin. Tsaka naisip ko, never pa ko nagtrabaho sa Makati. Dapat lang naman atang maranasan. Para bang kung beach lover ka eh hindi kumpleto kung hindi mo marating ang Boracay. Tsaka, hindi naman siguro masamang magtrabaho sa multi-national oil company no? Pwede na siguro lalo kung number 1 sila.

Seryoso, iyon talaga ang mga dahilan ko. Pero pagkatapos lang ng ilang linggo, I'm seeing this new job in a different light.

Nakakachallenge. Para akong nag-aaral uli. Yung kasing mga tao dito, they either inspire me, intimidate me, or stretch me. Gumagraduate tayo ng highschool pero kapag nasa bagong crowd tayo, we tend to want to perform, be noticed, and belong. Highschool uli.

Iba't ibang klaseng tao na ang nakilala ko sa mga pinanggalingan kong kompanya. Pero naaamazed pa rin ako na marami pa din pa lang unique na tao out there somewhere. Mahalaga yun sa isang writer wannabe na katulad ko, parang gusto mo silang isulat. Kung nasa Ohio ako, hindi ko mamimeet ang mga taong nameet ko dito.

Ilang beses din akong nagstereotype ng mga kasama ko dahil sa first impression. Parang ang epal naman nitong isa, pampam yung isa. Mali ako sa maraming beses.

At narealized ko...bigo pa din siguro ako. Emong-emo 'tong mga sinasabi ko eh.

Tuesday, March 16, 2010

My American Idol Experience

Hindi, hindi ako nag-audition sa American Idol.
Pero alam ko na ang pakiramdam.

Nagkaroon ako ng opportunity na mahire sa isang call center na: pioneer account, wave 1, senior agent ka, tapat ng Galleria ang location (which is good because I go to VCF there), okay ang pay, boss mo yung dati mong boss, at...ipapadala ka sa Ohio para sa training.

Emotional turmoil. Torture. Kinailangan kong maglakad pabalik-balik sa Buendia pagkatapos ng interview para lang marelax ako.

Pero ang pinakaheartbreaking sa lahat...kukunin ka na sana nila...kaso wala kang passport. Hihintayin ka nilang magkapassport pero 3 days lang dahil kelangan pang mag apply ng visa.

Nakita ko ang sarili kong parang contestant sa American Idol. Hopeful, goal oriented, at desperate. Kakayanin kong tumawid ng alambre para lang magka-passport ng time na yun. Ang problema, wala ka naman alambreng tatawirin.

Sa training class dati tinanong kami kung ano yung dream destination namin. Umuulan ng Paris ang mga sagot nila. Ako lang ang nagsabi ng US. Hindi ako into travel, kasi nga homebuddy, introvert at emo ako. Pero if I have to go anywhere abroad, US talaga.

Sayang. Pero I will not pretend na kunwari na lang walang nangyari. It hurts, but since I've learned a lot from it, this experience is not bad at all.

I have learned to submit to the divine power I cannot control- God's will. If God wants me to have this job, He'd make away. Otherwise, I have to accept that I'm getting a 'no' from Him on this one.

Nagpunta sa Singapore si Ate last year and inaya niya akong mag-ayos ng passport kasabay niya. Naiisip ko, wala naman akong balak mag-abroad anytime soon, bakit ako kukuha? Wrong move. Very bad decision. Opportunities knock pala, you have to be prepared for it.

And nag-struggle ako with spiritual frustration and what I believe is a quarterlife crisis, diba? The best of all, through this experience, I see things back in the perfect light. And if this disappointment is what God has to bring in my way to end of this period in my life, then it's worth it.

I was rooting for Alex Lambert pero natanggal na din siya. Dang.

Thursday, March 04, 2010

Huling Araw...and the Week After


I'm not good at leaving work. Hindi ko matagalan ang 30-day notice. Halos AWOL nga ako sa unang work ko sa Chancel Rep. Hindi ko naman tinapos magpaclearance sa Ambergriss so technically, AWOL din yun. Sa NCO naman, same day last day, walang 30 day notice = not for rehire. So medyo torture sa 'kin ang last month ng UHG.

Gustong-gusto na naming maglast day, hindi nagsink in sa 'min until the last week na, this will break the routine. Hindi na kami papasok sa T*tech the week after, wala na kaming trabaho, we have to start applying for a new work elsewhere, hindi na kami araw-araw magkikita and...we were leaving some friends. Whew! I guess that's what the 30 day notice was for, huh...to absorb all these, to prepare for the changes, but huh! The whole time isa lang ang naiisip namin- ang tagal ng last day! (kitang-kita naman sa picture diba? Parang walang malungkot.) Seriously, it was a greeaaaat two and a half year in UHG.

Friday was my last day employed and on Sunday morning, I stuffed all my stuff in back of the cab (that rhymes!) and came back to home sweet home. Ginawa ko 'to habang tulog pa si Ate at Kuya and just texted them later. Wow! High-five. I suck at goodbyes, I must be a dude.

First time ko 'tong tumira kasama ang ibang tao at magbayad ng rent. Sa totoo lang, I want this! Ito ang nakukuha ko kakanood ng Friends and kakabasa ng mga libro ni Sophie Kinsella, you know...going home to the place you pay the rent for, hehe, the independent life, the roommate! At bakit ko siya mas ginusto? I found myself a nice place! Bedspace lang ito, pero in a townhouse! And our room was in the attic, on the 4th floor, the family can kill each other hindi namin malalaman. Meron sofa (sa loob ng kwarto!) and thank goodness si Ate mismo ang naglilinis dahil sobra siyang neat freak! Dalawa lang kami sa kwarto at ako lang ang nandoon during the day. I sleep on the kingsize bed and Tisay, my roommate, sleep on the mattress on the floor, totally her choice by the way. So it's like paying for a room for a price of a bedspace! At ngayong wala na 'ko dun kay Tisay na ang buong kwarto, gosh! And not to mention, mababait ang may ari ng bahay. Kung hindi ako aalis ng T*tech I wouldn't have thought about leaving at all.

On the downside, that place bores me to death! It's like Vegas, with all the lights, but no gambling at drinking. Anong gagawin ko dun? And this living independent thing...sa kuripot kong 'to and with Pablo at home, it's not for me, maybe not now.

What was I busy doing a week after UHG ended? Finally, kinuha ko na ang diploma ko at transcript, nagparenew ng NBI, began watching our DVD's of "How I Met Your Mother", did my first volunteer work in VCF, and go crazy for American Idol.

Monday, February 15, 2010

Plants and Zombies

I love eating healthy and whenever I do, naaalala ko ang Plants and Zombies.
20 flags sa Survival Endless, akin 'yan. =)

Friday, February 12, 2010

The Top Ten Stupid Answers To Game Show Questions

Ahahahaha.

Blasphemous – Q: "Ano sa Tagalog ang teeth?" A: "Utong!"

Carlo of Taguig – Q: "Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?" A: "Umiilaw!"

Pancho – Q: "Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao? A: "Humanitarian?"

Joan C – Q: "Sina Michael at Raphael ay mga…" A: "Ninja?"

Potpot/Simplyme – Q: "Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?" A: "Sunog!"

Arcueid – Q: "Magbigay ng sikat na Willie." A: "Willie da pooh!"

Raimon – Q: "Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?" A: "Hindunesia?"

Bonnjeru – Q: "Anong hayop si King Kong?" A: "Pagong!"

MaudeEvans – Q: "Magbigay ng mabahong pagkain." A: "Tae!"

Supertanker – Q: "Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?" A: "Canadia!"

RC & Cess – Q: "Kumpletuhin – Little Red…" A: "Ribbon!"

Jose de Vengenge – Q: "Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?" A: "Buhok?"

Arcueid – Q: "Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin." A: "Tinga!"

LilMaui – Q: "Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?" A: "Pag balita?"

Katherine – Q: "Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?" A: "Baby oil?"

RC & Cess – Q: "Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?" A: "Sweetserland?"

RC & Cess – Q: "Sinong higanteng G ang tinalo ni David?" A: "Godzilla?"

LilRedShiningNips – Q: "Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?" A: "Itlog ng tao!"

Jose de Vengenge – Q: "Anong S ang tawag sa duktor nag nago-opera?" A: "Sadista?"

Ned – Q: "Blank is the best policy." A: "Ice tea?"

Boc – Q: "Anong parte ng itlog ang masarap?" A: "Yung tangkay?"

Espeks – Q: "Saan binaril si Jose Rizal?" A: "Sa likod!"

No Angel – Q: "Fill in the blanks – Beauty is in the eye of the ____." A: "Tiger?"

No name – Q: "Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?" A: "Saging!"

No name – Q: "Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?" A: "Baliw!"

Kayee – Q: "Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?" A: "Kamag-anak!"

Kid Bukid – Q: "Saan nakukuha ang sakit na AIDS?" A: "Sa motel?"

His Cuteness – Q: "Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?" A: "Cold water!"

Katuray – Q: "Sinong cartoon charcater ang sumisigaw ng yabba dabba doo?" A: "Si scooby dooby doo?"

Loipogi – Q: "Heto na si kaka, bubuka-bukaka." A: "Operadang bakla?"

litzkrieg – Q: "Ilan ang bituin sa American flag?" A: "Madami!"

Adakrab 14 – Q: "Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?" A: "Abnormal!"

Monday, January 18, 2010

Yogi and Me


Euthanasia in dogs- una ko 'tong napanood sa Grey's Anatomy. Pinatulog yung aso ni Meredith Grey dahil sa bone cancer. At alam ko right then and there, ayoko 'tong mangyari kay Yogi.

Nung may napansin ako, natakot akong dalhin siya sa vet. Parang, I couldn't bring myself to take whatever it could be. Nakakamatay ba? Gagaling ba? Paano ang treatment? Magkano?

Diniscourage ako ni Ate Sarah na ipa-undergo si Yogi sa anumang surgery or matinding gamutan. Baka lang daw lalong maghirap at hindi din kayanin. Maraming taon na rin namin nakasama si Yogi, ibigay ko na daw sa kanya na pagdaanan ang sakit niya in a peaceful way and spare him anymore pain.

Nagkaroon si Pablo nun ng problema sa mata at dahil natuto na 'ko (things could have been different for Yogi kung nadetect ng mas maaga) dinala kagad namin siya sa vet. Noon nagkalakas na 'ko ng loob na dalhin na din si Yogi. Corneal ulcer ang kay Pablo na gumaling after 3 days. Si Yogi was diagnosed with TVT-Transmissible Venereal Tumor. Pwedeng i-chemo pero hindi guaranteed ang prognosis. The vet advised me to just put Yogi to sleep. Napanood ko na 'to sa Grey's Anatomy, alam kong ito ang sasabihin ng vet. Sabi ko we will get in touch when it's time. Bago 'ko pumunta sa vet, ginoogle ko na 'yan. May perfect timing din ang euthanasia, and I knew it wasn't the time yet for Yogi.

As the days go by, gusto na nilang patulugin na siya. Sabi ko, not until I know it's time. Biniro ako ng ate na hindi ko lang daw kaya. Naiyak ako. Of course hindi ko kaya. Sana, kung mawawala na siya, sa natural way gaya ng nangyari kay Enna. Hindi madali, you know, to call the shot. Lalo na at nakikita ko pa siyang masigla, malambing at magana. At ang pinakasimple niyan, hindi ko kayang gawin yung sa kanya.

Ginoogle ko ang TVT, at nalaman kong nagagamot ito. I looked around for the best vets, and I chose the animal clinic in Greenwoods Pasig. Mas malayo kesa sa iba pero reasoble ang price, chemo lang hindi gaya ng iba na may surgery pa, at very positive ang vet. At iyan ang weakness ng mga pasyente, yung sasabihin na gagaling pa sila. It was all hardwork- pakainin siya, paliguan, painumin ng gamot, at ang paghahanap ng vet na gagamot sa kanya. Pero hindi ako napapagod. Gusto ko talagang gumaling siya. Yun nga lang, nung nakapili na 'ko ng clinic, nagsimula nang manghina si Yogi. His bloodtest showed he has weak kidneys. Huli na 'ko, naisip ko. Pero naisip ko din, if it's time, it's time. Gusto pa din ng vet na itreat siya-free of professional fee. Nung sinimulan ko'to, alam ko kaya pa ni Yogi. Pero alam ko din kapag hindi na niya kaya.

Dumating sa point na alam kong Euthanasia ang best pero hindi ang pinaka-likable na option. This time, alam ko, it's time, and I care about him so much I don't want him to suffer anymore. Nung tumawag ako sa vet para magpa-appointment, ready na kami ng 9am pero yung clinic hindi pa. Inischedule kami ng 2pm. Tumawad ako, 1pm. Isang oras din yun.

Kalong-kalong ko siya habang hinihintay ang 1pm. Wala na 'kong reklamo. Quality time. I took some pictures gamit ang cameraphone, at gumupit ako ng buhok niya. Remembrance.

1pm, dumating na si Rap at Arjay para sunduin siya. Planado na, hindi ako sasama. I was trying so hard to keep a brave face, cheering him on, assuring him it's okay. Buhat ko siya at nung time na para ipasa ko siya kay Rap, niyakap ko siya at kiniss and it was very, very hard to let go. Alam ko huli na 'yun.

Kinailangan kong umalis ng bahay pag-alis nila dahil ayokong nandun ako pagbalik nila. Yogi being taken out of the house was the last picture of him I want to have in my mind. That was Dec 15.

Pinanood ko yung Marley and Me nung pasko. Pareho ng kapalaran sina Yogi ang Marley, pero sa movie, pinakita kung paano ginawa. Gusto kong panoorin 'tong movie na 'to nung mga panahong hinahanda ko palang ang sarili ko. Ngayon, masasabi kong mas madali para sa'kin panoorin yung movie after it was done kesa before.

Meron pa din kaming Pablo. Hands down, icoconfess kong si Pablo ang pinakacute. I see parts of Yogi in him. Nakuha niya exactly yung mata ni Yogi, buntot ni Yogi at buhok ni Yogi. Pero hindi pa din siya si Yogi. I have learned to love him to the fullest though, because he won't be here very long. Nung namatay si Yogi, I had the same question I asked myself when Enna died- naging masaya kaya siya sa 'min?

I am also determined not to have any more dogs after Pablo (masyado akong na-aatach nakakapagsulat tuloy ako ng madadramang entry sa blog).

Nung naggoo-google ako ng diet para sa mga asong na nagche-chemo, ang dami kong natutunan. I'm now starting to be a health buff. I have learned that fruits and vegetables are more than just good for the skin at hindi lang tayo kumakain para may laman ang tiyan at may lakas ang katawan.

I have also learned how it is to really care, to do anything for someone I care about. I cared for a dog who otherwise would mean nothing to me, but I have chosen to take into my life and treat more than a pet, more than a friend, but a family.

You'll always be missed, Yogi. I love you.